• Type:
  • Category:
    Country:
  • Pricing:
  • Average Rating:

San Antonio de Padua Shrine (Pila)

Start Tour
Share

Details

San Antonio De Padua Parish, National Shrine of San Antonio de Padua (Founded 1578) Poblacion Pila, 4010 Laguna;

Feast Day; June 13

Facebook Page: https://www.facebook.com/NationalShrineOfSanAntonioDePadua/

IKALABINGDALAWANG ISTASYON: ANG PAGKAMATAY NI HESUS SA KRUS

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo.

S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (Lc 23:44-46)

Nang magtatanghaling-tapat na, hanggang sa ikatlo ng hapon, nagdilim sa buong lupain. Nawalan ng liwanag ang araw at ang tabing ng Templo’y napunit sa gitna. Sumigaw nang malakas si Hesus, ” Ama, sa mga kamay mo’y ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.

Pagninilay

Kahit sa tayog ng krus, habang inihihinga ni Hesus ang kanyang huling hininga, hindi pa rin nawawala ang kanyang pagiging Anak ng Diyos. Sa sandaling ito, ang lahat ng makalupang karanasan ng paghihirap at kamatayan ay aakuin ng Diyos. Ito ay pagniningningin ng walang-hanggan, ang binhi ng pangako ng buhay na walang hanggan ay ipapaloob dito at mangingibabaw. Bagaman isang trahedya ang kamatayan, ito ngayon ay nagkaroon ng bagong mukha: ito ngayon ay may mga mata na natutulad sa ating Ama sa langit. Ito ang dahilan kung bakit sa huling yugto ng kanyang hininga, nawika ni Hesus: “Ama, sa iyong mga kamay inihahabilin ko ang aking espiritu!” Akuin din natin ang panawagang ito; ang panawagan na winika sa atin sa tula ng isang manunula: “Ama, hayaan mong ang mga daliri mo ang magpapikit sa aking mga mata. Ikaw na aking Ama, masdan mo ako tulad ng isang Ina na nasa tabi ng kanyang nahihimbing na anak. Ama, kunin mo ako at yakapin.”

Panalangin Ama naming mapagmahal, naganap na ang pag-aalay, huling hininga ng iyong Anak, ang minimithing sandali ng tagumpay. Ang kurtina ng templo ay lubos na nawahak, ang kadustaan ng tao napanumbalik niyang ganap. Naputol nang lubusan ang kapangyarihan ng kasamaan nagsisimula na ang araw ng kaligtasan. Bagaman mukhang sawi sa sugat na tinamo, ito ang tanda ng kaligtasan ng tao. Aming Amang lubos kabanalan iyong ipagkaloob sa kamatayan ng iyong Anak nais rin naming magpasakop. Matapos na nawa ng kanyang kamatayan, ang mga hangad naming taliwas, puno ng kasalanan. Mamuhay nawa kami upang papurihan, kanyang sakripisyo sa ami’y inilaan. Panginoong Hesus pastol ng kawan kaawaan mo kaming

Tour Host

No reviews of San Antonio de Padua Shrine (Pila)
Leave First Review

Reviews for San Antonio de Padua Shrine (Pila)

There are currently no reviews for San Antonio de Padua Shrine (Pila)
Scroll to top