• Type:
  • Category:
    Country:
  • Pricing:
  • Average Rating:

San Sebastian Parish (Lumban)

Start Tour
Share

Details

San Sebastian Parish (Founded 1578) Poblacion, Lumban, 4014 Laguna, Feast Day: January 20

Facebook Page: https://www.facebook.com/BasteOfficialPage/

IKAAPAT NA ISTASYON: ANG PAGHAMPAS KAY HESUS AT PAGPAPATONG NG KORONANG TINIK

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo,

S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa ( Mt 27:22-23, 27-29)

Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Hesus, na tinatawag na Kristo?” At sumagot ang lahat, “Ipako siya sa krus!” “Bakit? Ano ang nagawa niyang masama?” tanong ni Pilato. Ngunit lalo pang lumakas ang kanilang sigawan, “Ipako siya sa krus!” Si Hesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa palasyo ng gobernador, at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya. Siya’y hinubaran nila at sinuotan ng isang balabal na matingkad na pula. Kumuha sila ng sangang matinik, ginawa itong korona at ipinutong sa kanya. Pagkatapos, pinahawak sa kanyang kanang kamay ang isang tangkay ng tambo. Siya’y ininsulto nila, niluhudluhuran at kinutya ng ganito, “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!“

Pagninilay

Si Hesus ay hinamak tulad ng isang batang tinutuya sa paglalaro ng hari-harian. Ngunit ang katotohanan, ang tinutuya ay tunay na Hari na ang dulot ay kaligtasan. Katulad ng sinasabi ni Mateo sa kanyang Ebanghelyo (25:37-46), darating muli ang Hari ng mga hari at hahatulan ang lahat ng mga nagpapahirap, at titipunin niya sa kaluwalhatian hindi lamang ang mga pinahirapan, bagkus pati na rin ang mga dumalaw sa piitan, nagpagaling sa mga sugatan nagpakain sa mga nagugutom, nagpa-inom sa mga nauuhaw, at iba pa. Ngunit ngayon ang mukha na nagbagong-anyo at nagliwanag sa Tabor ay puno na ng pasa at sugat; Siya na “larawan ng kaluwalhatian ng Diyos”ay niyurakan at nawalan ng dangal. Ang Lingkod ng Panginoon ay itinalikod at sinugatan ng latigo habang ang nagdurugong mukha ay pinaglulurhan. Sa Kanya, sa Diyos ng luwalhati, ang kahinaan ng bawat nilalang ay nahahayag. Sa kanya, ang Manlilikha ng daigdig, nagkaroon ang bawat nilalang ng boses.

Panalangin

Ama naming lumikha, sa lahat ng nilikha, ipinutong mo ang korona ng pamamahala sa taong iyong nilalang ayon sa iyong sariling larawan. Pinalitan namin ang iyong kagandahang loob ng koronang tinik at malupit na hagupit para sa iyong anak na sa ami’y nagpakasakit. Tulutan mong aming marinig ang hibik ni Hesus sa kapwa naming nananabik, nang katarungan at pagpapatawad sa lahat ng naaapi, ang bagong buhay at paghilom ay madaling sumapit. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming dakilang hari. Amen. Ama Namin… Aba Ginoong Maria…. Luwalhati sa Ama

Tour Host

No reviews of San Sebastian Parish (Lumban)
Leave First Review

Reviews for San Sebastian Parish (Lumban)

There are currently no reviews for San Sebastian Parish (Lumban)
Scroll to top